Nais po naming babalaan ang publiko sa dumadaming kaso ng mga Pilipino na nagiging biktima ng illegal recruitment at human trafficking sa Laos.
Mangyari po lamang na mag-ingat at maging mapanuri sa mga job offer patungong Thailand at Laos na pinopost sa Facebook o social media ng mga hindi kilala at hindi lehitimong recruiter, ahensya o employer. Marami na pong Pilipino ang umalis sa Pilipinas na pinangakuan ng visa at work permit sa Vientiane, Laos o Thailand, ngunit dinala sa Chiang Rai, Thailand at itinawid sa Golden Triangle Special Economic Zone sa Bokeo Province, Laos.
Kung may kilala po kayong naging biktima nito o kung may katanungan kayo, sumulat lamang po sa mga sumusunod:
- POEA Anti-Illegal Recruitment sa kanilang Facebook https://www.facebook.com/airbranch/ o sa +63 287210619 o This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
- 1343 Actionline ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT)
- Pasuguan ng Pilipinas sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa +856 20 555 358 78