MENU

Samut Saring Hiraya small

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, inaanyayahan ng Pasuguan ng Pilipinas sa Vientiane ang lahat ng Pilipino na sumali sa online kwentuhan na pinamagatang “Samot-Saring Hiraya: Imagination through Filipino Stories” sa ika-22 ng Agosto 2023, Martes, ala una ng hapon (oras sa Laos). Ito ay ipapalabas sa YouTube channel at Facebook page ng DFA.

Isulong natin ang pag-unawa at pagpapahalaga sa tradisyunal na storytelling, kultura, at sining sa pamamagitan ng mga kwentong Filipino.

Ang proyektong ito ay pinangungunahan ng DFA-Office of Public and Cultural Diplomacy at ng Story House Philippines.

#CulturalDiplomacy
#SamotSaringHiraya
#DFAForgingAhead
#BuwanngWika2023