Isa ka bang OFW sa Laos?
Mayroon ka bang mga katanungan tungkol sa iyong employment contract o pagpaparehistro ng Overseas Employment Certificate (OEC)?
Member ka na ba ng ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)?
Ikinagagalak ng Pasuguan ng Pilipinas sa Vientiane na ipaalam sa lahat ng OFW sa Laos na si Labor Attaché Teresa Lourdes Pimentel at iba pang mga kinatawan ng Migrant Workers Office (MWO) at OWWA sa Kuala Lumpur, Malaysia ay darating dito sa Vientiane para magsagawa ng isang Post-Arrival Orientation Seminar (PAOS) sa ika-6 ng Mayo 2023 (Sabado), ika-9 ng umaga (Laos time) sa The Qube Hotel sa Vientiane.
Ang seminar, na gaganapin sa The Qube Hotel at ipapalabas online, ay magbibigay ng impormasyon sa iba't ibang programa at serbisyo ng MWO (dating Philippine Overseas Labor Office o POLO) at OWWA. Maaari ka ring kumunsulta sa mga kinatawan ng MWO at OWWA tungkol sa OWWA membership, employment contracts, OEC registration, at marami pang iba sa hapon ng ika-6 ng Mayo 2023.
Ang mga interesadong lumahok, online man o in-person sa The Qube, ay kailangan magparehistro sa pamamagitan ng link na ito: https://bit.ly/PAOSsaLaos2023
Inaasahan namin ang inyong pagdalo!