MENU

Ika-20 ng Agosto 2022, Vientiane, Lao PDR - Bilang paggunita ng Buwan ng Wikang Pambansa, inimbitahan ng Pasuguan ng Pilipinas at ng Sentro Rizal sa Vientiane si Ginoong Luisito Pascua, kilala nating lahat bilang “Kuya Bodjie” sa Batibot, upang basahin ang kwentong “Bru-ha-ha-ha-ha- ha... Bru-hi-hi-hi-hi-hi...” ni Ma. Corazon Remigio. Ang pagsasalaysay ay idinaos ng Pasuguan, kasama ang pagtaguyod ng National Book Development Board (NBDB) ng Pilipinas at ng Adarna House.

Higit sa 20 na bata at ang kanilang mga magulang mula sa Laos at Pilipinas ang dumalo sa e-kwentuhan na iginaganap ng Pasuguan bawat taon upang bigyang diin ang kahalagahan ng wikang Filipino.

Ang “Bru-ha-ha-ha-ha-ha... Bru-hi-hi-hi-hi-hi...” ay tungkol sa isang bata na natutong hindi humusga ng kapwa dahil sa panlabas na anyo. Ang mga kalahok sa e-kwentuhan ay nakatanggap ng kopya ng aklat na ito, at kung gusto niyo itong basahin ay bumisita lamang sa Sentro Rizal ng Pasuguan ng Pilipinas sa Vientiane. Maliban sa kwentong “Bru-ha-ha-ha-ha-ha... Bru-hi-hi-hi-hi-hi...”, may higit na 2,000 na aklat ang matatagpuan sa Sentro Rizal, na itinatag noong ika-29 ng Hunyo 2012 upang isulong ang wika, sining at kultura ng Pilipinas.

Untitled20design207 Edited

Screen Shot 2022 08 23 at 10.20.07 AM 

***